Saturday, February 27, 2010
, 3:53 AM
Dear online diary, kanina may Lakwatcha na naman
kami :D
February 27,2010
Nung isang araw pa namin pinag iisipan na maglakwatcha ngayon since
Saturday naman. Story goes like this
Umagang umaga, nag yaya si Maine na pumunta sa house nila kasi
birthday niya [ Happy Birthday to Sharmaine Reyes ] love you sis ;)
Pero ang totoong plano namin ay pupunta kami kala Danilyn.
So yun, pinuntahan ako ni Zareng sa bahay tapos nag retouch na lang
ako ng konti then maya maya humingi na ako ng pera sa mommy ko then
umalis na kami, dapat dun kami sa sakayan ng jeep sa may highway
ee, walang jeep ewan kung bakit. Kaya sabi ko, sa may pritil na lang kami
sumakay, so ginawa nga namin at nung dumaan kami sa Tioco, tinuro ko
kay Zareng yung kaaway ko. Nakita niya, so sumakay na kami ng jeep
at bumaba dun sa may Seven Eleven, hinintay namin si Danilyn. Nung dumating
na siya, bumili kami ng Slurpee tapos sumakay ulit ng jeep papuntang kung saan man
hindi namin alam kung saan kami pupunta, sabi ni Danilyn bibili daw siya ng sa TLE
decal paper daw, sa torres daw..kung san man meron. Eeh ubos na talaga sa lahat daw yun e
Maya maya, bumaba kami dun sa may Panday Pira tapos bumalik sa Maharlika nagcomputer dun
naglaro ako ng special force at dota. Nung wala nang magawa nagbalik kami dun sa may Panday Pira
at nag chill sandali sa bahay nila Almond na bahay ng boyfriend ni Danilyn kasama si King na boyfriend
naman ni Zareng, ako lang walang kapartner haha :)) Nag sound trip lang kami dun at
umiinom ng RC. Maya maya nag aya na rin ako umuwi, paalis na dapat kami
ng sinabi ko na sama nalang ni Danilyn yung bf niya para ihatid kami sa may Puregold since
may nag aabang na sa amin sa may Tioco. So yun, pati si King sumama. Nakakaasar nga kasi
nung nandun na kami sa may Franz Varon ay hindi ko nakita si Maki, ang ultimate crush ko :(
Lakad lakad lakad. Hanggang nung nandun na kami sa may Tioco, ay dumaan na kami hinahanap
na namin yung kaaway ko na si Marvin. Nung paalis na kami biglang may sumigaw.
* Mura insert here * Icee ! Sabay takbo si Marvin ng pagka tulin.
Kaya nabad trip si Danilyn at minura niya rin. Tapos nung nasa Pritil na kami, tinawagan
ni Zareng tas pinagmumura nila ni Danilyn, kung ano anu sinasabi nila.
Maya maya pinakausap na nila Danilyn at Zareng sa mga boyfies nila tapos
kung ano anu din pinagsasabi :D
Pauwi na din yung mga boyfies nila kasi nagpahatid lang kami sa may
Puregold eh, sumakay na sila ng sidecar nun, tapos nung babalikan na namin sila
sa may Tioco, nakita namin sila Hanz at Reginald sa may jeep.
Maya maya bumalik na kami sa may Tioco at hinintay namin doon si Marvin
Kapag nilalapitan namin siya, lumalayo siya at tumatakbo, how dull.
Then medyo nag tagal kami dun :)) Pero since mga 3 na, pumunta na kami
ng Puregold at nakita namin sila Maine at Mela, nag CR kami sa may Jollibee and
nakita ko pa nga sila Hannah ee, umakyat kami then dapat uuwi na ako dahil ang
sama talaga ng pakiramdam ko nun, kaso ayaw nila Maine, kumain daw muna
ako sa kanila, todo kulit ko sa kanila at todo bara rin nila sakin :D So pumayag na ako then
hinintay namin ang napakatagal na si Jhem.ii, mga 4, lumabas na kami at sisikan sa iisang
pedicab :D Dumating naman si Jhem at tuloy tuloy na kami papuntang kala Maine
and still, masama pa din pakiramdam ko nun. Nung nandun na kami, kantahan
picture'ran :)) at kainan sympre.
Maya maya napasiyahang mag The Bar kami kaya
yun, bumili. Isang shot lang ako tas uwian na :)
END :D
Labels: High Crown, lakwatcha ulit